International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 7, Issue 2 (March-April 2025) Submit your research before last 3 days of April to publish your research paper in the issue of March-April.

Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8

Author(s) Zita Solano Martinez
Country Philippines
Abstract Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-2025. Ginamit ang pamaraang Descriptive Correlational. Kaguruan ng Baitang 8 ng Departamento ng Filipino kabilang na rin ang 6 na dalubguro sa Filipino sa paaralan ng Camarines Sur National High School ang naging respondente sa pag-aaral na ito. Natuklasan ng pag-aaral na ito na: (1) ang antas ng paggamit ng mga guro sa mga kagamitan sa pagtuturo ay nagkaroon ng tamtamang bigat na 4.27 sa mga awdyong kagamitan, 4.51 sa biswal na kagamitan, at 4.47 sa kombinasyong awdyo at biswal na kagamitan; (2) ang antas ng proseso sa pagbasa sa kategoryang persepsyon ay nagkaroon ng tamtamang bigat na 4.26, sa kategoryang komprehensyon ay may tamtamang bigat na 4.49, sa kategoryang reaksyon naman ay may 4.46 na tamtamang bigat at 4.49 naman sa kategoryang interaksyon; (3) ang mahalagang kaugnayan ng antas ng proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral ay nakitang makabuluhan sa 4 na antas ng pag-unawa, ang kagamitang pampagtuturong kombinasyon, may r-value na 0.72 ang persepsyon at p.value na 0.165; komprehensyon, r-value na 0.92 at p.value na 0.027 at ang reaksyon ay may r-value na 0.95 at 0.014 at interaksyon ay may r-value na 0.99 at p.value na 0.000; (4) ang epekto ng kagamitang pampagtuturo sa antas ng pag-unawa na persepsyon at komprehensyon na may magkaparehong r-value na 0.92 at r2 value na 85%. Sa kombinasyong awdyo at biswal na kagamitan litaw na litaw ang interpretasyong napakataas ng epekto ng kagamitang pampagtuturo sa antas ng pag-unawa ng mag-aaral sa komprehensyon, reaksyon at interaksyon na may r2-value na may pagkakasunod-sunod na 84.64% at 90.25%.
Batay sa mga nakuhang datos, ang mga kongklusyong nabuo ay: (1) ang mga guro ay palaging gumagamit ng kagamitang pampagtuturong awdyo, biswal at kombinasyon; (2) ang antas ng proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral ayon sa mga 4 na kategorya ay may mataas na antas ng pag-unawa. (3) makikita ang mahalagang kaugnayan ang antas ng paggamit ng mga guro sa mga kagamitan sa pagtuturo at antas ng proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral lalo na sa kombinasyong kagamitan. (4) May mataas na epekto ang paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo sa antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. (5) May mga polisiyang nabuo para sa pagpapaunlad ng antas ng pag-unawa sa pagbasa sa tulong ng mga kagamitan sa pagtuturo.
Keywords Mga Kagamitang Pampagtuturo, Proseso sa Pagbasa, Mag-aaral sa Baitang 8
Published In Volume 7, Issue 2, March-April 2025
Published On 2025-04-22
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2025.v07i02.42380
Short DOI https://doi.org/g9gdq7

Share this