International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 7, Issue 3 (May-June 2025) Submit your research before last 3 days of June to publish your research paper in the issue of May-June.

Pagsipat Sa Programang Pangwika ng mga Institusyon sa Mataas na Edukasyon Pagkatapos Matanggal ang Asignaturang Filipino: Batayang Programa sa Pagpapaunlad ng Kurikulum Alinsunod sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng Saligang Batas

Author(s) Ms. Michelle Ann Montos Corpuz
Country Philippines
Abstract Ang pag-aaral na ito ay sinuuri ang programang pangwika ng mga institusyon sa mataas na edukasyon matapos ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum batay sa CHED Memorandum No. 20, Series of 2013. Gamit ang multiple case study, sinuri ang epekto ng pagbabagong ito sa isang pribadong kolehiyo, isang pribadong unibersidad, at isang pambansang unibersidad. Ang teoretikal na balangkas ng Language Policy and Planning (LPP) nina Fishman at Cooper ang ginamit upang suriin ang status planning, corpus planning, acquisition planning, at prestige planning ng kanilang programang pangwika. Lumabas sa resulta na nagkaroon ito ng malawakang epekto sa mga guro, mag-aaral, at pangkalahatang programang pangwika. Nawalan ng hanapbuhay ng mga guro, bumaba ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Filipino, at nabawasan ang interes sa wika at kultura. Sa kabila ng ilang hakbang tulad ng code-switching, alternatibong pamamaraan sa pagtuturo, at pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nananatiling kulang ang mga mekanismo upang mapanatili ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo at akademikong disiplina. Iminumungkahi ng pag-aaral ang muling pagsusuri sa epekto ng CHED Memo No. 20 at ang posibilidad ng pagsasama ng Filipino sa kurikulum ng mas mataas na edukasyon. Mahalaga ang pagpapatibay ng wika upang mapanatili ang pambansang identidad at matiyak ang inklusibong edukasyon na tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Keywords programang pangwika, mataas na edukasyon, asignaturang Filipino, CMO No. 20, Series of 2013, Language Policy and Planning (LPP)
Published In Volume 7, Issue 3, May-June 2025
Published On 2025-05-05
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2025.v07i03.43838
Short DOI https://doi.org/g9hsgh

Share this