International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 8, Issue 2 (March-April 2026) Submit your research before last 3 days of April to publish your research paper in the issue of March-April.

Epekto ng Balbal sa Istandardisasyon ng Wikang Filipino sa Pasalitang Diskurso sa Digital Age: Isang Pagsusuri

Author(s) Mr. Keanu Ivan Demape Sollano, Ms. Vishelgen Martinez Selmar, Ms. Hazel Nha Mae Fuentes Rabutan, Ms. Jamariane Dampios Sumalinog
Country Philippines
Abstract Sa mabilis na pag-usbong ng digital age, kapansin-pansing nagbabago ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ng kabataan, at kasama rito ang mas malawak na paggamit ng mga salitang balbal. Bagama’t nakadaragdag ito sa pagiging malikhain at dinamiko ng wika, nagdudulot din ito ng hamon sa pagtatatag ng isang pare-pareho at istandardisadong Wikang Filipino na mahalaga sa edukasyon at pambansang identidad. Layunin ng pananaliksik na suriin kung paano naaapektuhan ng balbal ang proseso ng istandardisasyon ng Filipino sa pasalitang komunikasyon, lalo na sa kontekstong dominado ng teknolohiya. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong meta-synthesis ng sampung pananaliksik mula 2019–2025, at thematic analysis upang matukoy ang mga paulit-ulit na tema sa digital na diskurso. Ipinakita ng mga natuklasan na mas maraming mag-aaral ang mas komportableng gumamit ng balbal kaysa pormal na Filipino, na nagbubunsod ng kalituhan at pagkakahati sa paggamit ng wika. Gayunpaman, lumalabas din na nagsisilbi itong daluyan ng identidad at malikhaing ekspresyon ng kabataan.Sa kabuuan, lumilitaw na ang balbal ay parehong hamon sa pamantayan at pagkakataon upang mapaunlad ang mas inklusibo at makabagong anyo ng Wikang Filipino.
Keywords Keywords: Istandardisasyon ng wika, Balbal, Positibo at Negatibong Epekto ng Balbal, Pasalitang Diskurso, Digital Age, at Filipino Language
Field Sociology > Education
Published In Volume 8, Issue 2, March-April 2026
Published On 2026-03-10
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2026.v08i02.70624

Share this