International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 8, Issue 3 (May-June 2026) Submit your research before last 3 days of June to publish your research paper in the issue of May-June.

Estratehiya ng mga Guro at Kakayahang Panggramatika ng mga Mag-aaral sa Filipino 10

Author(s) Ms. Lourdes Sierva Israel, Dr. Delia Cadag Villanueva
Country Philippines
Abstract Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang ugnayan ng mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino at ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa Filipino 10 sa pitong pampublikong paaralang pansekundarya sa Distrito ng Tigaon, Sangay ng Camarines Sur, Taong Panuruan 2025–2026. Layunin nitong matukoy ang antas ng performans ng mga guro sa paggamit ng talasalitaan, pabuod, pagtuklas, at pasaklaw; masukat ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika; masuri ang ugnayan at impluwensya ng mga estratehiya sa pagtuturo; at makabuo ng angkop na kontekstuwal na sanayan. Ginamit sa pananaliksik ang deskriptibo-korelasiyonal na disenyo upang mailarawan ang antas ng paggamit ng mga estratehiya ng mga guro at ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral, gayundin upang matukoy ang ugnayan ng mga baryabol. Ang mga respondente ay 309 mag-aaral na pinili mula sa kabuuang 1,361 mag-aaral gamit ang stratified sampling at Yamane’s Formula. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng sarbey-kwestyoneyr at pagsusulit sa kakayahang panggramatika. Natuklasan na may mataas na performans ang mga guro sa paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo, lalo na sa talasalitaan. Mataas din ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa lahat ng aspekto, partikular sa semantika. Sa mga estratehiya, ang pamaraang pabuod ang nagpakita ng makabuluhang ugnayan sa morpolohiya, sintaks, at semantika. Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na mahalaga ang kontekstuwalisado at makabagong pagtuturo sa pagpapaunlad ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa Filipino.
Keywords estratehiya sa pagtuturo, kakayahang panggramatika, kontekstuwalisadong pagtuturo.
Field Sociology > Linguistic / Literature
Published In Volume 8, Issue 3, May-June 2026
Published On 2026-05-11
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2026.v08i03.77997

Share this