International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 8, Issue 4 (July-August 2026) Submit your research before last 3 days of August to publish your research paper in the issue of July-August.

WIKAKULYAN: Wika, Kultura, at Ugnayang Panlipunan Bilang Teorya sa Varayti ng Tagalog – Laguna

Author(s) Imelda Gesmundo Carada
Country Philippines
Abstract Isinagawa ang pag-aaral na ito upang maunawaan ang varyabilidad ng mga wika mula sa iba’t ibang bayan ng Liliw, Calamba, Alaminos, San Pablo, Sta Cruz, Siniloan, at Majayjay sa lalawigan ng Laguna. Lingid sa ating kaalaman, ang Pilipinas bilang isang arkipelagong bansa ay binubuo ng 7,641 na mga isla na tinitirahan halos 175 na pangkat-etniko, na siya ring kumakatawan sa bilang ng etnolinguistiko ng bansa. Sumakatuwid, natural na katangian o penomenon ang pagkakaiba-iba ng varayti ng wika. Ang pagkakaroon ng varyasyon o pagkakaiba ng isang wika ay katangiang heteregenous ng wika. Upang lubos maunawaan ang pagkakaiba-iba ng wikang sinasalita ang mananaliksik ay nakabuo ng teoryang WIKAKULYAN, na kinapapalooban ng wika, kultura at ugnayang panlipunan. Ginamit ang palarawang pananaliksik o deskriptiv na paraan bilang disensyo ng pag-aaral upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral na mailarawan at masuri ang leksikal na varayti ng Tagalog-Laguna sa ilang piling lugar sa lalawigan ng Laguna. Mula rito nabuo ang Teoryang WIKAKULYAN, na naging batayan upang matukoy ang varayti ng wikang Tagalog sa Laguna batay o ayon sa kaugalian o tradisyon, produkto/gawain sa bawat lugar, at paraan ng pamumuhay. Sa kabuuan, ang kalipunan ng 355 ng mga salitang nalikom ay mula sa iba’t ibang leksikal ay umiikot sa pang-araw-araw na karanasan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nais isulong ng mananaliksin na magkaroon ng pagpapayaman ng relasyon ng wika, kultura, at ugnayan. Mahalagang magkaroon din ng mga proyektong pambayan at panlungsod upang malinang ang mayamang wika at kultura ng bawat bayan.
Keywords Wika, Kultura, Varayti ng Tagalog- Laguna
Field Sociology > Linguistic / Literature
Published In Volume 8, Issue 4, July-August 2026
Published On 2026-07-18
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2026.v08i04.83588

Share this