International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 8, Issue 4 (July-August 2026) Submit your research before last 3 days of August to publish your research paper in the issue of July-August.

Kamalayan at Antas ng Pagtanggap sa mga Katawagang Kultural sa Lalawigan ng Laguna

Author(s) Imelda Gesmundo Carada, Christian Maria Amor Carada Palacio
Country Philippines
Abstract Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang antas ng kamalayan at pagtanggap ng mga mag-aaral mula sa Laguna State Polytechnic University sa mga katawagang kultural ng Lalawigan ng Laguna. Gumamit ang pananaliksik ng deskriptibong pamamaraan at kuwantitatibong Likert scale na survey sa 200 mag-aaral na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga katawagang kultural ay nakategorya sa pangkabuhayan, gawi at tradisyon, at pagdiriwang.

Ipinapakita ng resulta na ang kabuuang antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa mga katawagang kultural ay mula "Katanggap-tanggap" hanggang "Lubos na Katanggap-tanggap.” Partikular na mataas ang pagtanggap sa mga terminong nauugnay sa mga seremonyang panlipunan, relihiyoso, at mga pangunahing produkto. Samantala, ang antas ng kamalayan ay nagpakita ng mas masalimuot na larawan, na may mga resulta mula "May Kamalayan" hanggang "Katamtamang Kamalayan.” May mga katawagan, lalo na sa larangan ng pangkabuhayan, na tila hindi na gaanong pamilyar sa kabataan, na nagpapahiwatig ng epekto ng modernisasyon sa tradisyunal na wika. Binibigyang-diin ng pag-aaral ang pangangailangang palalimin, protektahan, at ipasa ang mga katawagang kultural sa susunod na henerasyon upang mapanatili ang lokal na identidad at pambansang kultura.
Keywords Katawagang Kultural, Kamalayan, Pagtanggap, Laguna at Kultura
Field Sociology > Education
Published In Volume 8, Issue 4, July-August 2026
Published On 2026-07-24
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2026.v08i04.84306

Share this