International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 7, Issue 4 (July-August 2025) Submit your research before last 3 days of August to publish your research paper in the issue of July-August.

Sining At Mensahe: Isang Diskursong Pagsusuri sa Kahalagahan ng Orihinal na Awitin ng SB19

Author(s) Jhovern Lee Royo
Country Philippines
Abstract Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kahalagahan ng mga orihinal na awitin ng SB19 sa pamamagitan ng linggwistikong elemento, gayundin ang semantikong pagpapakahulugan sa kanilang mga orihinal na awitin. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pag-aaral gamit ang dikursong pagsusuri upang suriin ang limampu’t isang (51) orihinal na awitin ng SB19 na nagsilbing korpora sa pag-aaral. Batay sa resulta, may pitong linggwistikong elemento na namukod sa ginawang pagsusuri: ang tugma, anapora, epistrope, aliterasyon, asonans, metapora, at slang. Dagdag pa rito, may pitong semantikong katangian ang namukod sa ginawang pagsusuri: konseptwal, konotatibo, sosyal, apektibo, replektibo, kolokatibo, at tematiko. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng pagsusuri sa linggwistikong elemento at semantikong pagpapakahulugan sa mga orihinal na awitin ng SB19. Ang pagkakaroon ng pitong natatanging linggwistikong elemento (tugma, anapora, epistrope, aliterasyon, asonans, metapora, at slang) ay nagpapatunay sa pagiging malikhain at mapanlikha ng mga manunulat ng kanta. Ang paggamit ng mga elementong ito ay hindi lamang nagpapaganda sa awitin, kundi nagdaragdag din ng lalim at kahulugan sa mensahe nito. Ang pagiging mapaglaro sa wika ay nagbibigay ng kakaibang identidad sa musika ng SB19, na nagpapakilala sa kanila bilang mga artistang may natatanging istilo. Ang pitong semantikong katangian (konseptwal, konotatibo, sosyal, apektibo, replektibo, kolokatibo, at tematiko) na namukod sa pag-aaral ay nagpapatunay sa lawak at lalim ng mga mensahe na nais iparating ng mga awitin. Ang mga elementong sosyal, apektibo, at replektibo naman ay nagpapakita ng koneksyon ng mga awitin sa reyalidad ng mga tagapakinig. Ang pagiging kolokatibo naman ay nagpapakita ng pagiging natural at makatotohanan ng mga salita at parirala na ginamit.
Published In Volume 7, Issue 3, May-June 2025
Published On 2025-06-28
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2025.v07i03.47871
Short DOI https://doi.org/g9rnw4

Share this