International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 7, Issue 4 (July-August 2025) Submit your research before last 3 days of August to publish your research paper in the issue of July-August.

Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino

Author(s) Ms. Myra Diaz Ceballos
Country Philippines
Abstract Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang matukoy ang antas ng mga baryabol, suriin ang kanilang makabuluhang ugnayan at tukuyin kung aling mga domeyn ang may pinakamalaking impluwensya sa pag-unawa sa pagbasa. ginamit ang isang deskriptibong korelasyonal na diskarte sa pananaliksik upang matugunan ang mga layunin ng pananaliksik. gamit ang formula ni slovin, isang sample ng mga mag-aaral ng Filipilino ang sinuri sa pamamagitan ng isang nakabalangkas na talatanungan. ang mga datos ay sinuri gamit ang deskriptibo at inferensiyal na mga pamamaraan sa estadistika, kabilang ang mean analysis, pearsion correlation at multiple regression analysis. ang mga tanatuklasan ay nagsiwalat na ang kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ay nasa mataas na antas, na nagpapahiwatig na ang mga aspektong ito ay madalas na obserbahan sa mga respondante. ang mga resulta ay nagpakita ng isang malakas na positibong ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral at pag-unawa sa pagbasa, pati narin sa pagitan ng kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa. ang regression analysis ay nagpahiwatig na ang komunikasyon at interaksyon ay may makabuluhang impluwensya sa pag-unawa sa pagbasa, habang sa kasanayan sa wika, ang pagbasa, pakikinig at pag-unawa ang pinakamaimpluwensyang mga domeyn. gayun paman, ang pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro ng grupo, pansariling kasiyahan , pagsulat at pagsasalita ay hindi nagpakita ng makabuluhang epekto.
Keywords kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika, pag-unawa sa pagbasa, ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino, deskriptibong korelasyonal na diskarte, Pilipinas
Published In Volume 7, Issue 4, July-August 2025
Published On 2025-07-07
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2025.v07i04.48048
Short DOI https://doi.org/g9s889

Share this