International Journal For Multidisciplinary Research

E-ISSN: 2582-2160     Impact Factor: 9.24

A Widely Indexed Open Access Peer Reviewed Multidisciplinary Bi-monthly Scholarly International Journal

Call for Paper Volume 8, Issue 2 (March-April 2026) Submit your research before last 3 days of April to publish your research paper in the issue of March-April.

Paggamit ng Journal sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagsulat ng Mga Mag-aaral sa Filipino

Author(s) Ms. Ashley Mae Rebutazo Salvador, Ms. Lovelie Balambao Centino, Ms. Leizel Joy Caspe Dabalos
Country Philippines
Abstract Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin kung paano nakatutulong ang paggamit ng journal sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat ng mga Filipino major sa Misamis University. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pre-test at post-test sa sampung piling mag-aaral gamit ang rubrik na sumusukat sa nilalaman, koneksyon, organisasyon, wika, at pagkamalikhain ng kanilang mga journal entries. Lumabas sa resulta na bago gamitin ang journal, ang mga mag-aaral ay nasa antas na Di-Gaanong Mahusay, ngunit matapos ang interbensyon ay umangat sa Napakahusay, na may makabuluhang pagbabago (p = 0.000). Ipinapakita nito na ang journal writing ay epektibong paraan upang mapaunlad hindi lamang ang kasanayan sa pagsulat, kundi pati ang kumpiyansa, pagkamalikhain, at kakayahang mag-isip nang mas kritikal. Dahil dito, iminumungkahi na maisama ang journal writing bilang bahagi ng pagtuturo sa asignaturang Filipino.
Keywords Paggamit ng Journal, Kasanayan sa Pagsulat
Published In Volume 7, Issue 5, September-October 2025
Published On 2025-10-21
DOI https://doi.org/10.36948/ijfmr.2025.v07i05.58210

Share this